-- Advertisements --

CEBU CITY – Wala nang naitalang panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Cebu City jail mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Nabatid na nasa 427 ang mga bilanggong COVID positive mula sa nasabing pasilidad pero nakarekober na sa loob lang ng tatlong linggo o 21 days.

Ayon kay Cebu City Jail Warden Superintendent Julius Aro, malaki ang naitulong ng “early detection, isolation, and treatment” sa mga nahawaan ng virus upang makontrol ang pagkalat ito.

Kaagad kasing inilipat sa new annex building ng kulungan na nagsisilbing isolation center ang mga nagpositibong inmates.

“The donations like alcohol, PPE, and other items that the City gave was a big help to us in addressing the problem. Dako usab ang natabang sa early monitoring sa cases sa city jail through the City Government. Dako sad og tabang ang pagpagawas og EO ni Mayor Labella nga ipa test ang mga incoming and outgoing PDL sa jail facility,” ani Aro.

Naitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa pasilidad noong Abril 19 kaya agad na inatasan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang city health officers at mga doktor na magsagawa ng mass testing at contact tracing sa mga bilanggo at personnel doon.

Nitong Hunyo 12 ang pinakahuling kaso ng deadly virus sa Cebu Jail.