-- Advertisements --

Unti-unti na rin daw tumataas ang bilang ng mga pasyente maging sa ilang mga ospital ng Region 3 at Region 4.

Paliwanag ni treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega, dahil sa pagkapuno na ng ilang ospital sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 sa Metro Manila, inililipat na lamang nila ito sa mga kalapit na probinsiya sa pamamagaitan ng koordinasyon ng One Hospital Command Center.

Ayon kay Usec Vega, napipilitan silang ilipat ang ibang mga pasyente mula sa Metro Manila hospitals patungo ng Region 3 at 4.

Partikular umanong naililipat na mga pasyente ay ang mga nakakaranas ng moderate at severe cases ng COVID-19.

Inihalimbawa pa nito ang naging kahilingan ng DOH sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa Pampanga na taasan pa ang alokasyon sa mga COVID-19 patients.

Liban nito nagtayo na rin ang DOH ng mga modular tents at hospital extensions upang matulungan ang walong mga ospitals sa Metro Manila na halos umaapaw na sa mga pasyente.