Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nasa 44 porsyento na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas nitong nakalipas na linggo.
Ito ay matapos na makapagtala ang DOH ng 14,640 na mga bagong nahawa sa COVID-19 cases sa nakaraang linggo.
Nangangahulugan ito ng average na 2,091 per day mula July 11 hanggang July 17 nitong taon.
Batay pa sa DOH latest bulletin nasa kabuuang 589 o 8.7 percent ng COVID-19 patients sa mga hospitals ang nasa severe o kaya nasa critical condition.
Sinasabing ang naturang datos ay mas mataas sa nakaraang linggo na 555 severe at critical patients.
Gayunman kaparehas naman ito sa ratio na 8.7 percent ng COVID-19 sa hospital admissions.
Samantala, kabuuang 481 o nasa 18.3 percent ng 2,630 intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okopado ngayon ayon pa sa DOH.
Meron namang 5,189 o kaya nasa 23.8% ng 21,809 ang mga nasa non-ICU COVID-19 beds na ginagamit.