Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang panibagong 5,604 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Mas mababa ito kumpara sa nakalipas na araw.
Dahil dito ang kabuuang kaso sa buong bansa ay mahigit na sa 1.4 million o 1,403,588 kasama na ang bilang mula noong nakaraang taon.
Samantala marami naman ang nai-record na mga bagong gumaling na umaabot sa 6,154.
Nasa 94.6 percent na ang mga nakarekober sa coronavirus sa Pilipinas o 1,327,103.
Gayunman merong panibago na namang 84 na mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 24,456 na, ito ay katumbas ng 1.74 percent.
Sa kabilang dako meron namang aktibong mga kaso ngayon sa bansa o nagpapagaling pa sa virus na nasa 52,029.
Nasa 95 porsyento sa mga pasyente ngayon sa bansa ay nakakaranas ng mild at asymptomatic.
Umaabot naman sa anim na mga labortoryo ang bigong makapahgsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“8 duplicates were removed from the total case count. Of these, 6 are recoveries. Moreover, 57 cases previously tagged as recoveries have been validated to be active cases and 38 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng advisory ng DOH. “All labs were operational on June 26, 2021 while 6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 6 non-reporting labs contribute, on average, 1.5% of samples tested and 2.5% of positive individuals.”