Posibleng bago matapos ang kasalukuyang taon ay magiging available na ang COVID-19 vaccines para sa mga bata edad 12 pababa, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo.
Umaasa ang opisyal na magsusumite na rin sa lalong madaling panahon ang Pfizer ng kanilang application para sa emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccines sa edad apat hanggang 11-taong gulang.
Samantala, ang Sinovac naman ay kinukompleto na lamang ang kanilang datos para sa kanilang bakuna sa mga bata edad 18 pababa, na kanilang isusumite rin sa mga vaccine experts pagkatapos.
Sa ngayon, nagsimula nang gumulong ang pediatric COVID-19 vaccination ng pamahalaan edad 12 hanggang 17-anyos.
Base sa latest figures na nakita ni Domingo, 500,000 eligible minors a g nabakunahan gamit ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines.