-- Advertisements --

Target ng vaccine negotiating team ng pamahalaan na taasan ang buwanang vaccine supply deliveries sa 25 hanggang 30 million doses.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., aabot na kasi sa 3.5 million kada linggo ang bilang ng COVID-19 vaccines na naituturok sa kada linggo, lagpas sa inaasahan na 3 million doses kada linggo.

Kung dumating ang inaasahan na mas maraming supply ng bakuna, sinabi ni Galvez na hindi malayong maabot ang 750,000 hanggang sa 1 million jabs sa kada araw.

Ngayong buwan lamang, aabot sa mahigit 8.2 million doses ang natanggap na COVID-19 vaccines ng Pilipinas mula sa iba’t ibang sources tulad ng COVAX facility, sa US, ibang mga bansa, at iyong mga binili ng pamahalaan, ng private sector, at LGUs.

Nabatid na hanggang noong Agosto 12, aabot na sa mahigit 12 million katao ang nababakunahan sa bansa.