BEIJING – Inaprubahan ng China ang human testing ng isang posibleng bakuna sa COVID-19, na cultivated o nilinang mula sa cell ng insekto.
Batay sa social media post ng Chengdu City government, mapapabilis ang maramihang produksyon ng bakuna kung dedepende sa insect cells ang pag-usbong ng protein sa coronavirus vaccine.
Ang nasabing bakuna ang kauna-unahan at natatanging na-develop sa China, kung saan gumamit ng insect cells para makapag-produce ng vaccine.
Mga eksperto mula sa West China Hospital ng Sichuan University ang nag-develop ng nasabing bakuna. Ang National Medical Products Administration naman ang nagbigay ng “go signal” a trials.
Una nang sinubukan ang naturang bakuna sa mga unggoy, at doon nakita na napigilan nito ang impeksyon ng hayop sa SARS-CoV-2. Wala rin daw nakitang side effect mula sa vaccine.
Bukod sa nasabing bakuna, may walong potential vaccines pa para sa coronavirus mula China ang nasa iba’t-ibang antas na ng trials.(Reuters)