-- Advertisements --

Pormal nang sinimulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination para sa mga student-athletes sa tertiary level.

Isinagawa ang ceremonial vaccination para sa mga student-athletes sa CHED auditorium sa loob ng UP Diliman.

Ang bakuna na gawa ng Moderna ang ginamit sa kanila.

Dinaluhan ang ceremonial vaccination na ito nina Vaccination Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at CHED chairman Prospero De Vera III at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sa pagbakuna sa mga student-athletes, nakikita ni De Vera ang resumption ng athletic trainings at kalaunan ay pagpayag sa pagdaos ng mga laro at torneyo.

Kayan naman umaapela si De Vera sa mga student-athletes na iparating sa iba ang tungkol dito upang sa gayon ay unti-unti na ring makapagbukas ng maraming eskuwelahan na papayagan makapagsagawa ng in-person classes sa gitna ng pandemya.

Sa ngayon, sinabi ni Galvez na 92 percent na ng populasyon sa National Capital Region ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccines, habang 82 percent naman ang fully vaccinated.

Kahapon iniulat naman ni presidential spokesperson Harry Roque na papalo na sa mahigit 24 million sa buong bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.