Bahagyang bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.
Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.
Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.
389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.
Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20)
Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.
Patuloy naman ang pagdami ng mga indibidwal na gumaling mula sa nuturang virus na mayroong 4, 066, 225 habang pumalo na sa 66, 476 ang bilang ng mga namatay.