-- Advertisements --
Bumaba pa sa 4.1 percent ang Covid-19 positivity rate sa buong bansa.
Inihayag ni OCTA Research fellow Guido David na inaasahan nila kahapon ang nasa 350 hanggang 450 bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw.
Ngunit, nakapagtala aniya ang Department of Health ng 368 na bagong kaso.
Idinagdag nito na ang NCR pa rin ang nangunguna sa pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na may 105.
Ang mga lalawigan na may pinakamaraming bagong kaso ay ang Isabela (30), Cavite (24), Rizal (15) at Batangas (14).