-- Advertisements --

Nagkukumahog nang lumipat ang mga mamamayan na nakatira sa syudad ng Australia papunta sa mga regional areas makaraang ipatupad ang work from home sa bansa dulot ng coronavirus outbreak.

Sa Southern Highlands region, karamihan ng mga real estate agents ay nakakita ng biglang pagtaas sa bilang ng mga taong naghahanap ng posibleng bilhin na properties. Ayon sa mga ito, kalimitan umanong dahilan ng mga taong lumilipat ay dahil sa mahal na presyo ng apartment sa Sydney at Melbourne.

Makikita sa inilabas na report ng Regional Australia Institute na bago pa mangyari ang krisis ang unti-unting pagtaas ng mga taong lumilipat sa regional areas. 139,471 katao na ang umalis sa Sydney simula noong 2011 hanggang 2016 at 74,715 naman ang nagtungo sa ibang lugar.

Umabot naman ng 112,728 katao ang umalis ng Melbourne para manirahan sa ibang lugar subalit 91,119 naman ang lumipat sa Melbourne upang dito na tumira.

Ayon kay Liz Ritchie, chief executive ng Regional Australia Institute, inaasahan daw nila na tataas pa ang bilang na kanilang naitala bunsod ng COVID-19. Karamihan daw kasi ng mga tao sa Australia ay nag-aadjust na sa post-pandemic existence kung saan magiging normal na ang work from home setup.

“Over the last few months, we’ve all had to change how we work and this has allowed staff and employers to see that location is no longer a barrier for where we choose to work,” saad nito.

“Now is the time to work together with industry, government and regional communities to ensure regionalization of the workforce.”