Nananatiling public health emergency concern sa buong mundo ang COVID-19 pandemic ayon sa World Health Organization (WHO).
Kayat masyado pa aniyang maaga para tanggalin ang highest-level alert para sa covid-19 crisis.
Sang-ayon din si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa payo ng WHO emergency committee on COVID-19.
Binigyang diin ng committee anf pangangailangan na palakasin pa ang surveillance at pagpapalawig sa access para sa covid-19 test, treatments at mga bakuna para sa mga nasa at risk sa sakit.
Magugunita na idinekalra ng WHO ang covid-19 outbreak bilang public health emergency of international concern (PHEIC) noong Enero 30, 2020 nang makapagtaal ng mas mababa sa 100 kaso ng covid-19 sa labas ng China na sinasabing pinagmulan ng virus.
Simula ng magkaroon ng covid-19 pandemic nasa mahigit 622 million na ang kumpirmadong kaso ng covid-19 atmahigit 6,5 million deaths sa buong mundo subalit pinaniniwalaang ang bilang na ito ay mas mababa sa totoong bilang,