Idineklara na ni US President Joe Biden na tapos na ang Covid pandemic sa United States.
Sa kaniyang inilabas na pahayag, sinabi rito na wala nang nagsusuot ng face masks sa kanila.
Ngunit kinikilala nito na may “problema” pa rin ang US sa virus na pumatay ng higit sa 1 milyong Amerikano.
Itinalaga pa rin ng gobyerno ng US ang Covid-19 bilang Public Health Emergency at sinabi ng World Health Organization na nananatili itong Public Health Emergency of International Concern.
Nauna nang sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization, sa isang news briefing noong nakaraang linggo na ang pagtatapos ng pandemya ng Covid-19 ay “nakikita,” at na ang mundo ay hindi kailanman naging mas mahusay na posisyon upang wakasan ang Covid -19 pandemic.