-- Advertisements --

Mas matutukan na ng Kamara ang pagpasa sa mga priority measures na naglalayong pagaanin ang pasanin ng mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni Speaker Lord Allan Velasco matapos na ibinasura ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Nauna nang tiniyak ni Speaker Velasco ang pagkakaroon ng patas na trial sa impeachment complaint na inihain ni Edwin Cordevilla.

Sa pagdinig ng komite kaninang umaga, sumentro ang talakayan sa sufficiency in form at substance ng kaso.

Pero ayon sa ilang mga kongresista, insufficient in form ang reklamo ni Cordevilla dahil wala itong maipakitang authentic records na sumusuporta sa kanyang alegasyon laban kay Leonen.