-- Advertisements --

NAGA CITY – Umapela na ang pamunuan ng Bicol Medical Center sa lokal na pamahalaan para tulungan ang umaapaw na nilang kapasidad sa isolation beds ng COVID-19 patients.

Batay sa anunsyo ng ospital, hindi muna sila tatanggap ng ibang pasyente maliban sa mga indibidwal na may coronavirus disease at nasa kritikal na kondisyon na.

Bukod sa puno ng mga kama, kulang na rin daw ng healthcare worker ang pagamutan para sa kanilang isolation ward.

Dagdag pa ng ospital, ginagamit na rin ang lahat ng kanilang high-flow oxygen machines at mechanical ventilators kaya wala na rin umanong available na unit para sa mga darating pang pasyente. -CJY