-- Advertisements --
Posibleng mag-peak ang COVID-19 infections sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Ito ay bunsod na rin sa kasalukuyang positivity trend sa rehiyon na tumaas sa 22% noong Disyembre 19 mula sa 16% na naitala noong Disyembre 12 ayon sa monitoring ng OCTA Research Group.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus mula sa mga nasuri sa COVID-19.
Subalit ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David maaari pa ring magbago ang kasalukuyang trend sa rehiyon.
Ipinunto naman ni Dr. David na nasa 22% ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay severe at critical cases habang mas malaking porsyento o 63% naman ang mild o asymptomatic.