Ipinasara na muna ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang Muslim prayer hall sa Brgy. Greenhills ng kanyang siyudad matapos iulat ng Department of Health (DOH) na regular na bumibisita doon ang isang lalaki na ikalimang COVID-19 patient ng Pilipinas.
@SecDuque: The 5th case is known to have regularly visited a Muslim prayer hall in Barangay Greenhills, San Juan City. Previous visitors to the prayer hall presenting symptoms are encouraged to call the DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150 for proper referral. #COVID19
— Department of Health (@DOHgovph) March 6, 2020
“The 5th case is known to have regularly visited a Muslim prayer hall in Barangay Greenhills, San Juan City. Previous visitors to the prayer hall presenting symptoms are encouraged to call the DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150 for proper referral.”
Sa inilabas na statement ng alkalde, iniutos nito ang agarang disinfection, sanitation at pagpapasara ng nasabing establisyemento.
Tumutulong na raw ang kanyang tanggapan sa ginagawang contact tracing ng DOH sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Official statement of San Juan City Mayor Francis Zamora regarding the confirmed case of CoronaVirus (COVID 19). pic.twitter.com/rYIFU0G2Vm
— Mayor Francis Zamora (@franciszamora30) March 6, 2020
Unang sinabi ng representative mula sa World Health Organization (WHO) na maituturing pa na isolated case ang kaso.
“We need to understand whether this is an isolate infection which happened from their community. Somebody who is mildly symptomatic or asymptomatic, or whether there is a clustering of cases with his contacts.”
Sa ngayon limang team ng DOH ang kumikilos sa contact tracing ng limang kaso ng COVID-19 sa bansa.