-- Advertisements --

Hindi na papahintulutan pang pumasok sa bansa ang mga foreigners simula hating gabi ng Marso 22 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Tanging mga Filipino migran workers, repatriatied Filipinos, foreign spouses ng mga Pinoy at kanilang mga anak, foreign government officials at international organizations ma accredited sa Pilipinas ang exempted sa temporary travel ban na ito.

Ito ay matapos na maglabas ng foreign circular ang Department of Foreign Affairs na pansamantalang nagsususpinde sa issuance ng visa at visa-free privileges sa buong mundo para ipagbawal muna ang pagpasok ng mga foreigners sa bansa hanggang sa umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Nakasaad din sa aviation protocol na ang mga overseas Filipino workers, balikbayans at foreigners ay papayagan ding makalabas ng bansa pero kailangan makapagpresinta ng katibayan ng kanilang international travel itinerary.

Subalit ang mga Pilipinong turista ay hindi pa rin pinapahintulutang makalabas ng bansa at pinapayuhan ding manatili na lamang sa kanikanilang kabahayan upang makatulong sa pagsawata sa pagkalat ng COVID-19.