-- Advertisements --

MANILA – Umabot na sa 20,269 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinakabagong report ng PNP, nadagdagan ng 123 ang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus disease sa pulisya nitong Sabado, May 1.

Nasa 1,678 pa ang active cases o nagpapagaling.

Nananatili naman sa 56 ang total deaths dahil walang naitalang bagong namatay.

Samantalang nadagdagan ng 167 ang bilang ng mga gumaling, kaya ang total recoveries sa COVID-19 cases ng PNP ay 18,535.

“As of April 30, 2021, the PNP Health Service recorded 167 new recoveries today bringing the total number of personnel who recovered from COVID-19 to 18,535,” ayon sa post ng ahensya.

Sa buong Pilipinas, aabot na sa 1,046,653 ang total ng COVID-19 cases, kung saan 957,051 na ang gumaling.

Nasa 17,354 naman na ang binawian ng buhay dahil sa pandemic na sakit.