-- Advertisements --

MANILA – Sumirit pa sa 467,601 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong araw ng Pasko.

Batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng 1,885 na mga bagong kaso ng sakit ang COVID-19 tally.

Pero hindi pa kasali rito ang report ng 15 laboratoryo na bigong makapag-submit ng datos kahapon, December 24.

“15 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 24, 2020.”

Ang Quezon City pa rin ang may pinakamataas na numero ng mga bagong COVID-19 cases na nasa 130. Sinundan ng Bulacan na may122, Davao City (99), Rizal (78), at Leyte (63).

Nasa 27,748 pa ang total active cases o mga nagpapagaling na pasyente. Nadagdagan naman ng 307 ang total recoveries, na pumapalo na ngayon sa 430,791. Habang 9,062 na ang total deaths matapos madagdagan ng pitong bagong namatay.

“7 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 4 recovered cases have been removed. In addition, a cases was found to have tested negative and has been removed from the total case count.”

“Moreover, there were 2 cases that were previously reported as recovered but after final validation.”