Nananatiling kontrolado pa rin ang mga kaso ng covid-19 sa Pilipinas sa kabila ng bahagyang pagtaas ng positivity rate o porsyento ng nagpopositio sa virus mula sa mga nasuring indibidwal.
Paliwanag ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante walang sinyaes na mapupuno ang mga pagamutan sa bansa. Sa katunayan, kung titignan aniya ang datos bagamat tumaas ang mga kaso, hindi tumataas ang namamatay mula sa covid-19 gayundin sa nagkakasakit ng severe covid-19 at hindi rin tumataas ang naaadmit sa mga ospital.
Ito aniya ay isang magandang sinyales kaya ng labanan ng ating katawan ang epekto ng covid-19 at hindi na kagaya noong tumama ang delta na isang variant of concern.
Iniuugay din ni Dr Solante na posibleng dahil sa nadetect kamakailan na unang kaso ng omicron subvariant na XBB.1.16 na tinawag na Arcturus ang pagtaas ng mga kaso.
Aniya ang mga sintomas ng Arcturus ay katulad ng iba pang covid-19 variants subalit ilang pasyente sa ibang bansa ang nagkaroon ng sore eyes na dinapuan ng Arcturus.
Kaugnay nito, hinimok ng eksperto ang publiko na ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask para mapigilan ang hawaan ng virus.