-- Advertisements --

Tumaas ng 10 percent ang daily average ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang daily average ng bagong kaso ng covid ay 78 noong May 24 hanggang May 30 period pero naging 86 ito noong May 31 hanggang June 6 period.

Sinabi ni David na ang reproduction number sa NCR ay tumaas sa 1.24 mula sa dating 1.08.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong puwedeng mahawaan ng isang infected na indibidwal.

Kapag ang reproduction number ay mas mababa sa isa ay bumabagal na ang transmission ng virus.

Samantala, ang one-week average daily attack rate ay tumaas din mula sa 0.55 ay naging 0.61.