-- Advertisements --
Umakyat na sa 54 ang bilang ng COVID-19 cases na naitatala sa Kamara.
Ito ay matapos na makapagtala ng dalawang panibaong kaso, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.
Ang unang kaso aniya ay staff ng Human Resource Management Service, na huling pumasok sa trabaho noong Hulyo 29, habang ang kapatid naman nito ay mula sa engineering department na huling pumasok sa trabaho noong Agosto 14 at 17.
Kasalukuyang nagpapatuloy ayon kay Montales ang isinasagawang contact tracing.
Nabatid na hanggang noong Agosto 25, pumapalo na sa 197,164 ang COVID-19 infections sa bansa.
Sa naturang bilang, 61,730 ang maitututring na active cases.
Umakyat naman sa 3,038 ang death toll habang ang recoveries naman ay pumapalo sa 132,396.