-- Advertisements --

Tumaas ang mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa England at Wales.

Ayon sa Office for Naitonal Statistics (ONS) na ito ang unang pagkakataon na tumaas ang COVID-19 case matapos ang dalawang buwan.

Ang resulta ay base sa datus na kanilang nakalap mula noong Setyembre 14.

Mayroong 766,500 o mayroong isa sa 70 katao habang sa Wales ay mayroong 39,700 o isa sa 75 katao.

-- Advertisement --

Noong nakaraang mga survey ay mayroong isa sa 75 katao sa England habang isa sa 110 katao naman sa Wales ang nagpopositibo sa COVID-19.

Bumaba naman ang bilang ng mga nagpositibo sa Scotland at Northern Ireland.

Nagmula ang survey kung saan kinuhanan nila ng random sample ng populasyon ang sumailalim sa swab.