-- Advertisements --
FB IMG 1588406860001

Malapit na sa 9,000 na ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa Pilipinas.

Sa pinakahuling update ng Department of Health (DoH), pumalo na sa 8,928 ang bilang nga mga dinapuan ng virus sa bansa.

Nadagdagan ito ng 156 sa nakalipas na 24 oras.

Mataas din ang bilang ng mga nadagdag na namatay na 24 at may kabuuan nang 603.

Magandang balita pa rin naman dahil 40 na panibagong recoveries ngayong araw at may kabuuang bilang nang 1,124 ang mga gumaling sa naturang sakit.