-- Advertisements --
Pumalo na ng 5,751 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ang nasabing bilang ng 46 na bagong kaso.
Nadagdagan naman ng 56 ang bilang ng mga pulis na gumaling dahilan upang umabot na ng 4,556 ang total recoveries nito habang nananatili sa 17 ang death toll.
1,178 ang active cases at kasalukuyang nagpapagaling o naka-quarantine.
Patuloy naman ang panghihikayat ng PNP sa kanilang mga kasamahan na makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung nakakaramdam ng sintomas ng sakit.