-- Advertisements --
AIRPORTS2

Nakatakda nang suspindihin ng Canada ang ipinapatupad nitong COVID-19 border restrictions sa darating na Oktubre.

Ayon kay Canadian Minister of Health Jean-Yves Duclos, hindi na muling ire-renew pa ng Canada ang order ng council na nagpapatupad ng border restriction sa bansa na nakatakda namang mag-expire sa Setyembre 30.

Paliwanag pa ng Public Health Agency of Canada, ang naturang pagbabago sa mga ipinapatupad na patakaran sa bansa ay dahil sa “modelling” na nagpapakita na ang Canada ay higit nang nalagpasan ang peak ng omicron BA.4 at BA.5 fueled wave.

Idinagdag din nito na kabilang din sa kanilang mga naging batayan ay ang mataas na bakunahan kontra COVID-19, at mas mababang hospitalization rate na kanilang naitatala.

Samantala, nilinaw din ng mga kinauukulan na kabilang di sa nasabing mga bagong guidelines ang mga cruise, at susundin din nito ang mga panuntunan sa Estados Unidos.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin naman ang panghihikayat na kanilang ng naturang Public Health Agency sa mamamayan nito at maging sa mga manlalakbay na nais pumasok sa Canada na panatilihin ang pagsusuot ng “high-quality” at “well-fitted masks”, magpabakuna, at mag self-isolate kung kinakailangan.

Muli namang iginiit ng mga kinauukulan na hanggat hindi pa naipatutupad ang naturang pagbabago sa restrictions, ay kinakailangang may kumpletong bakuna ang mga traveller na may edad 12 pataas na nagnanais na makapasok sa Canada.

Kung hindi naman ay pinapayuhan ang mga ito na magsumite testing regimen, sumailalim sa 14-days quarantine pagdating sa bansa, at palagiang pagsusuot ng face mask.