Tinatayang papalo ng 50,000 hnaggang 100,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sakaling magkaroon ng panibagong surge sa oras na madetect sa bansa ang bagong Omicron subvariants batay sa preliminary projections ng OCTA Research Group.
Ayon pa kay Octa Research fellow Dr. Guido David, maaaring umabot sa 5,000 hanggang 10,000 ang bagong kaso kada araw.
Aniya, hindi pa masasabi sa ngayon kung kailan makakapasok sa bansa ang bagong subvariants ng highly transmissible Omicron variant subalit nakikitaan na aniya ng pagsipa sa mga kaso ng virus sa South Africa at Delhi, India na bahagyang pareho ang characteristics sa Pilipinas.
Subalit ayon kay Dr. David sakaling magkaroon ng surge sa mga kaso, hindi ito kasing taas ng mga kasong naitala noong Enero dahil sa dominant variant na Omicron.