Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Court Administratro Raul Villanueva sa Korte Suprema.
Papalitan nito si Associate Justice Mario Lopez na nagretiro noong Hunyo 4.
Taong 2002 ng italaga siyang judge sa Branch 255 ng Las Piñas City Regional Trial Court.
Naging acting judge din siya sa Branch 267 sa Taguig City Regional Trial Court. at acting presiding judge ng Branch 4 ng Manila RTC ganun din ay naging executive judge ng Las Piñas City RTC.
Noong 2021 ay naging deputy court administrator siya at tuluyang naging court administrator noong 2022.
Nagsilbiito sa iba’t-ibang opisina ng gobyerno at sa tatlong hanay ng gobyerno.
Nakamit niya ang economics degree noong 1985 at Bachelor of Laws degree noong 1990 sa University of the Philippines.