Nilinaw ng kontrobersyal na courier firm na naresolba na nila ang mishandling issue sa ilan nilang empleyado.
Pahayag ito ng naturang kompanya, kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay ipapasara sa oras na mapatunayang guilty sa pagtatapos ng imbestigasyon ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), NBI (National Bureau of Investigation), at BIR (Bureau of Internal Revenue).
“There’s one (company) over which I often receive complaints. You better shape up. I’d like you to know that I’m ordering now the CIDG… and the NBI to investigate you and the BIR to look into your finances,” bahagi ng pahayag ni Duterte sa kanyang June 30 speech.
“This J&T, as you have seen on TV, they’re throwing around packages that might have been broken or spoiled. Or they got something from them or switched items.”
“Because of the so many complaints, I will close you down. That’s for sure. I iwill close you down — whether you like it or not — after the CIDG and NBI finish their investigation and point to you as having a liability.”
Pero ayon sa branding manager ng kompanya na si Leonardo Alampay, hindi na kailangang makipadiyalogo dahil makikipagtulungan naman sila sa imbestigasyon kasabay ng pangako na i-improve ang kanilang serbisyo para sa kanilang mga consumer.
“Regardless of how they might be portrayed in social media, they are all organized and effectively sorted according to the areas that we intend to deliver them,” pagtitiyak ni Alampay. Any parcel that is lost, no matter how improbable that might be regarding the system that we are using, they can be compensated for justly and fairly through our claims system.”
Una nang nag-viral ang video kung saan makikita na basta na lamang hinahagis ang mga parcel sa loob ng truck, pero ang mga ito raw ay matagumpay nang nai-deliver sa mga buyer.
Gayunman, mismong empleyado pala ang kumuha ng video, bagay na bawal sa kompanya kaya ito ay na-sanction o binigyan ng parusa.
Nag-sorry na rin ang J&T Express vice president na si Zoe Chi sa pagsasabing bubuo sila ng bagong quality control team, muli ring isasailalim ang kanilang empleyado, at nakausap na rin ang mga naapektuhang kustomer.
“We would like to apologize about the incident that has circulated a few days ago. We were shocked to see the video. We humbly take full responsibility for this incident,” ani Chi sa press conference.
Noong nakaraang taon nang lumabas ang impormasyon na wala pa umanong rehistro sa Postal Regulation Division ang J&T Express dahil pending pa ang application nito.