CENTRAL MINDANAO-Suportado ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagpapalakas ng Civil Society Organizations (CSOs) sa lalawigan ng Cotabato.
Sa isinagawang orientasyon, tinalakay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang memoramdum circular and guidelines na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan sa paglalagay ng CSO desk, akreditasyon at pagpili ng magiging representante ng mga CSOs sa Local Special Bodies (LSBs).
Layunin ng memorandum circular and guidelines na palakasin ang mga CSOs na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga mahahalagang programa sa komunidad.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad na ginanap sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City sina DILG Cotabato Provincial Director Ali B. Abdullah, DILG LTOO V Helen Grace Sayon, Planning Development Officer III Lourdes Oracion, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO’s), at CSO Desk officer mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.