-- Advertisements --

Kinumpirma ng Cosmoship Management noong Huwebes na isa sa limang pinaniniwalaang nasawi sa insidente ng pag-atake ng Houthi rebels sa cargo vessel na Eternity C sa Red Sea ay kumpirmadong patay na.

Ayon sa ulat, apat pa ang hinihinalang nasawi, habang 10 tripulante ang patuloy na nawawala matapos iwan ang barko na inatake nang paulit-ulit ng rebeldeng grupo simula noong Lunes.

Sampu sa 21 tripulante ang nailigtas na, at patuloy ang paghahanap sa mga nawawala.

Sinusuri rin ng kumpanya ang ulat ng mga Houthis na may ilan silang nailigtas na crew matapos lumubog ang barko nitong Miyerkules.

Samantala patuloy ang search and rescue operations an ginagawa ng kumpanya, at nanawagan ito sa ibang barko sa lugar na tumulong sa paghahanap.