-- Advertisements --
Nagpaalala si Japanese Prime Minster Shinzo Abe na sinimulan na sa Estados Unidos ang human trial para sa naimbentong coronavirus vaccine.
Ayon kay Abe, maaaring asahan na sa buwan ng Hulyo ay sisimulan na rin ang clinical trial para sa naturang bakuna.
Patuloy din umano ang ginagawang pag-develop ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang institusyon sa Japan. Tulad na lamang ng University of Tokyo, Osaka University at National Institute of Infectious Diseases.
Umaasa rin si Abe na matatapos sa mas mabilis na panahon ang vaccination programs.
Binigyang-diin din nito na layunin ng kaniyang gobyerno na maaprubahan ngayong buwan ang anti-flu drug na Avigan upang gamiting gamot kontra COVID-19.