Tumama na sa 50 estado sa United States ang 2019 coronavirus infectious disease (COVID-19) matapos ianunyos ng West Virginia ang kauna-unahan nitong kaso ng naturang sakit.
Ayon kay West Virginia Governor Jim Justice, matagal na nilang napaghandaan ang ganitong pangyayari.
Pinag-iisipan din umano ni New York City Mayor Bill de Blasio na ipag-utos sa kaniyang mamamayan na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.
Halos 8.5 milyong residente ng New York ang papayagan lamang lumabas ng kanilang tahanan kung kinakailangan nilang bumili sa grocery ng pagkain o gamot, ilabas ang kanilang mga alagang hayop o mag-exercise kasabay nang pag-iwas ng mga ito sa public interaction.
Aminado naman ang gobernador na mahirap ang naturang desisyon dahil ngayon lamang naranasan ng New York ang ganitong krisis.
Sa huling datos, umabot na ng 108 katao ang namatay sa Amerika dahil sa coronavirus at nasa 6,300 naman ang kumpirmadong kaso sa buong bansa.