Ikinatuwa ng mga siyentipiko ang tuluyang paghilom ng itinuturing na pinaka-malaking butas sa ozone layer ng mundo ilang linggo lamang matapos itong matuklasan.
Ayon sa mga scientists mula Copernicus Atmospheric Monitoring Service, malaki umano ang naitulong nang ipinatupad na lockdown sa mga bansa dahil nabawasan ang air pollution sa paligid.
Ngunit anila hindi raw ang pandemic ang tanging rason kung bakit nagsara ang naturang butas sa ozone layer. “Although it looks like the polar vortex has not quite come to an end yet and will reform in the next few days, ozone values will not go back to the very low levels seen earlier in April,” saad ng organisasyon.
Paliwanag ng mga siyentipiko, dahil daw ito sa pagsasara ng intense polar vortex at hindi dahil sa pagbabago ng air quality.
Batay kasi sa inilabas na datos ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), naranasan noong Marso ang pinaka-mababang ozone level sa Arctic. Kasinglaki din umano ng butas ang buong kalupaan ng Greenland.
Ang human-made chemical na chlorofluorocarbon ang sumisira sa ozone layer na siyang pumoprotekta sa mundo mula sa ultraviolet radiation na dulot naman ng araw.