-- Advertisements --

Lubhang nababahala ang World Health Organization (WHO) dahil sa mabilis na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa buong mundo.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, posible pa umanong lumobo ng 1 milyon ang kaso ng COVID-19 habang 50,000 naman ang mamamatay dahil dito.

“Over the past five weeks, we have witnessed a near exponential growth in the number of new cases, reaching almost every country, territory and area,” ani Ghebreyesus.

Binigyang-diin din nito na kahit ang mga scientists ay hindi pa gaanong napag-aaralan ang nakamamatay na virus. Aniya, ito raw ang kauna-unahang pandemic sa buong mundo na dulot ng coronavirus.

Unang na-trace ng mga siyentipiko ang coronavirus mula sa DNA ng paniki.

Huling nagdeklara ang WHO ng pandemic nppng 2009 H1N1 swine flu outbreak.

“COVID-19 is a real threat. It is a real threat to everyone on the planet,” saad ni Dr. Maria Ven Kerkhove, technical lead ng ahensya tungkol sa outbreak.