Tuluyan na umanong napigilan ng New Zealand ang community transmission ng virus sa bansa matapos bumaba ang bilang ng positibong kaso ng coronavirus dito.
Kumpyansa si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na napagtagumpayan na ng kaniyang bansa ang laban sa nakamamatay na virus.
Ngunit hindi naman ikinatuwa ng ilang opisyal ang tila pagiging complacent ni Ardern sa sitwasyon. Anila, hindi pa raw sila sigurado na tuluyan nang nawala ang COVID-19 sa kanilang bansa.
Simula bukas ay balik-operasyon na ang ilang negosyo, healthcare at education activities.
Karamihan naman sa mga mamamayan ng New Zealand ay hinihikayat pa rin na manatili lamang sa kanilang mga tahanan at iwasan ang kahit anong social interaction.
“We are opening up the economy, but we’re not opening up people’s social lives,” ani Ardern.
Nakapagatala ang naturang bansa ng 1,469 kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 19 pa lamang ang namamatay dahil dito.