-- Advertisements --
Kinumpirma bng British government na umabot na ng 20, 319 katao ang namatay sa bansa dahil sa 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19.
Ika-lima ang United Kingdom nsa may pinaka-mataas na death toll sa buong mundo. Nangunguna pa rin dito ang Estados Unidos, sumunod ang Italya. nasa ikatlong pwesto naman ang Spain at sinundan ng France.
Daan-daan pa rin ang naitatalang patay sa UK kada araw sa kabila nang kasiguraduhan mula sa mga eksperto na nalampasan na ng nasabing bansa ang peak ng impeksyon.
Gayunman, hindi pa kasama sa kabuuang bilang ang mga pasyenteng namamatay sa care homes kung kaya’t inaasahan na mas tataas pa ang bilang nito.