Nagbabala si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na posibleng gawing dahilan ng mga bansa upang magpatupad ng mas mahigpit na patakaran sa mga asylum seekers na hindi naman konektado sa coronavirus pandemic.
Base sa inilabas na UN report ni Guterres, ipinakita nito kung papaano dapat gamiting gabay ang karapatang pantao upang makatulong sa mabilis na pag-recover ng health, social at conomic crisis dulot ng naturang virus.
Pumalo na sa 2.57 milyong katao sa buong mundo ang tinamaan ng COVID-19 habang 184,614 na ang namamatay.
Ayon kay Guterres, nakakita umano sila ng negatibong epekto ng pandemic lalo na sa mga komunidad, hate speech maging ang mahigpit na pamamalakad na ginagawa ng mga kapulisan.
Nanawagan din ang UN chief sa mga gobyerno na maging transparent, responsive at accountable ngayong panahon ng krisis.










