-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng US National Institute of Health ang mga nakalap nitong resulta tungkol sa isinagawang clinical trial para sa experimental antiviral drug na remdesivir.

Sa inilabas kasi na preliminary analysis ng NIH, aabutin lamang ng 11 araw ang average time para gumaling ang isang indibidwal na nagpositibo sa coronavirus disease sa oras na bigyan sila ng remdesivir bilang gamot.

Ayon kay Dr. Anthony Fauci, infectious disease expert ng White House, nabatid na kayang harangin ng naturang gamot ang virus.

Ang datos na kaniyang binabanggit ay mula sa isang malawakang pag-aaral sa halos 1,000 pasyente sa buong mundo na nakatanggap ng gamot na remdesivir o placebo.

Hindi naman maitago ni Fauci ang kaniyang kasiyahan dahil sa nasabing resulta. “The data shows that remdesivir has a clear-cut, significant, positive effect in diminishing the time to recovery,” wika ni Fauci.

Tulad lang din ito aniya noong 1986 kung saan nahirapan din ang mga siyentipiko na gumawa ng gamot para sa HIV.