-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hangad ni Police Lt. Col. Mar Louise Bondoc, ang chief of police sa lungsod ng Batac na 100 porsiyento na mabakunahan ng booster shot ang lahat ng kasapi ng PNP sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Bondoc, mula sa 99 na PNP personnel sa lungsod ng Batac ay mayroon ng 70 ang nakatanggap ng booster shot.

Dahil ditto, sinabi niya na sa ngayon ay mayroon na lamang higit 20 na personnel ang hindi nababakunahan para maabot nila ang 100% na target.

Dagdag nito na ang pagpapabakuna ng booster shot ng mga PNP personnel sa lungsod ng Batac ay walk-in sa araw ng Martes o Biyernes.