-- Advertisements --
Naglatag ng mga programa ang Cooperative Development Authority (CDA ) upang makatulong sa mga magsasaka at makasabay sa prayoridad ng administrasyon hinggil sa food security.
Ayon kay Cooperative Development Authority (CDA ) Deputy Administrator Ray Elevazo na food security ang kanilang pokus habang binibigyan ng pagkakataon ang mga maninindang kooperatiba sa mga basic commodities.
Aniya, hindi lamang sa kooperatiba ng pagpapalayan nakatuon ang kanilang atensyon kundi pati na sa iba pang produkto gaya ng niyog at pangingisda.
Handa naman ang kanilang kagawaran na matulungan at mabigyan ng suporta ang mga kooperatiba ng mga magniniyog at mayroon na silang pakikipag-ugnayan na ginagawa sa Philippine Coconut Authority hinggil dito.