-- Advertisements --

Nagtala sa kasaysayan ng beauty pageant ang 20-anyos na college student mula sa England.

Ito ay dahil siya ang unang beauty queen na lumahok ng walang anumang make-up.

Ang 20-anyos na si Melisa Raouf mula sa south London ay pasok na sa semifinals ng Miss England.

Pasok na siya sa finals na gaganapin naman sa Oktubre.

Sinabi nito na malaking bagay sa kaniya ang pagsali ng walang make up dahil sa marami ang tila napi-pressure para magpa-make up.

Dagdag pa nito na sakaling ang isang tao ay masaya sa kulay ng balat ay dapat hindi na nito takpan ng make up ang mukha dahil bawat katao aniya ay mayroong kakaibang pagmumukha.

Noong bata pa ito ay nagsusuot ito ng make up sa mukha subalit hindi niya ito ginawa sa pageant.