-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Hinihinalang nagpatiwakal ang isang construction worker sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay PLt. Christopher Nacional ng Lingayen PNP, nakatanggap sila ng isang ulat mula sa kapitan ng barangay Rosario na si Flora C. Tuazon na may isang bangkay lalake ang natagpuang nakabitin sa isang steel bar sa kanyang sariling bahay.

Aniya, batay sa kanilang imbestigasyon, nadiskubre ang labi ng biktima ng nagngangalang Renante Doria na isang residente rin sa nabanggit na lugar.

Batay sa salaysay umano ni Doria, tinawag umano niya ang bitima upang kamain ng pangahapunan ngunit pagbukas umano nito sa pinto ng bahay ng biktima ay nadatnan na niyang nakasabit na ito sa isang steel bar gamit ang isang lubid.

Sa pagsasaliksik pa ng mga kapulisan, aminado ang pamilya ng biktima na nagbigti ito at tumanggi nang isalang sa post mortem/autopsy examination ang labi ng kanilang kaanak.

Wala rin umanong nababanggit na problema o kagalit sa trabaho ang biktima.

Paalala naman ni Nacional sa publiko, na kapag nakakaramdam na hindi nasa maayos na kondisyon ang isang kaanak o malapit na kakilala ay huwag umano silang papabayaan at mainam na makausap o makinig sa kanilang mga hinaing o nais sabihin.