DAVAO CITY – Naglabas muli si Davao City 1st District Rep. Paolo Z. Duterte ng kanyang huling babala laban sa mga fixer na gumagamit ng kanyang pangalan sa kanyang congressional office sa mga masasamang mga gawain.
Kamakailan lamang ay nakatanggap ang mambabatas ng impormasyon na isang babae ang nagpapakilalang kawani raw ng kanyang opisina na diumano’y nagre-recruit ng mga tao na nangangailangan ng medical assistance mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang congressional office.
Nangako ang naturang fixer na ang opisina mismo ni Congressmann Duterte ang maglalabas ng P30,000 na halaga ng medical assistance kung saan awtomatikong mapupunta ang P3,000 sa naturang fixer.
Matapos makatanggap ng naturang impormasyon, agad na ipinauutos sa mga staff ang pagsasampa ng blotter sa kapulisan.
Aniya ni Duterte, paluluhurin nya sa harap ng San Pedro Cathedral sa loob ng dalawang gabi ang mahuhuling suspek ng naturang modus, at aasahan rin mula sa kanya ang patong-patong na kasong haharapin ng suspek.
Samantala, nananawagan si Congressman Duterte sa mga Dabawenyo na i-report ang mga kasong tulad nito na naglalayong makapanloko ng mga taong nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
Makipag-ugnayan lamang sa kanilang numero na 09667510792.










