-- Advertisements --

Ipinasa na ng mga mambabatas mula southern state ng Mississippi ang panukala na magtatanggal sa Confederate emblem sa lahat ng watawat ng bawat estado sa Estados Unidos.

Ito’y matapos ang kabi-kabilang kilos-protesta hinggil sa racial injustice na nararanasan ng mga Black Americans sa bansa.

Napagkasunduan ng dalawang chambers ng Mississippi state legislature na tuluyang tanggalin ang naturang emblem sa kanilang watawat dahil sumisimbolo umano ito sa pagiging racist.

Sinuportahan naman ang hakbang na ito ni Mississippi Governor Tate Reeves. Aniya, ang argumento tungkol sa 1894 flag ay nagdulot ng pagkakahati sa kanilang mamamayan kung kaya’t ito na umano ang tamang panahon upang tuldukan ito.

“If they send me a bill this weekend, I will sign it,” saad pa ni Reeves.