-- Advertisements --

Dinagdagan ng concert organizer ng BlackPink ang kanilang ibebentang tickets para sa World Tour sa Manila ng grupo.

Magsisimula ang muli nilang pagbenta ng tickets sa Miyerkules Marso, 15.

Lilimitahan lamang sa apat na tickets sa kada transaksyon ang kanilang papayagan.

Magaganap ang concert ng sikat na Korean girl group sa Marso 25 at 26 sa Philippine Arena.

Ito ang unang tour ng grupo na binubuo nina Jison, Jennie, Rose at Lisa.