Matapos ang ilang beses na pagkansela ay tuloy na ang pagsasagawa ng concert ni Alanis Morissette sa bansa.
Inanunsiyo ng Ovation Productions ang final date ng concert ng singer na gaganapin sa Agosto 1 sa SM Mall of Asia Arena.
Magsisimula na silang magbenta ng ticket sa darating na Marso 29 at ito ay nagkakahalaga ng P2,750 at ang pinakamahal ay P14,750.
Paglilinaw din ng organizers na hindi na magagamit ang tickets noong 2020 kaya pinayuhan nila ang mga nakabiling fans na ito ay i-refund at bumili ng bago.
Ang “Jagged Little Pill” show ay bahagi ng kaniyang world tour sa pagdiriwang ng kaniyang ika-25 taon ng nasabing album.
Unang itinakda ang dalawang gabing concert noong Abril 2020 at ito ay naiurong ng Disyembre 2021 at Nobyembre 2022 bago ito tuluyang nakansela.
Ang nasabing album ng singer ay nakakuha ng limang Grammy Awards kabilang ang Album of the Year sa edad noon niyag 21.