-- Advertisements --

Dinagsa ng mga fans ni Taylor Swift ang kaniyang concert sa Tokyo, Japan.

Hindi ininda ng mga fans ang malamig na klima sa makapila lamang at mapanood ang Eras Tour nito sa Tokyo Dome.

Napuno ang 55,000 capacity arena kung saan may ilang fans na dumayo pa sa Japan para mapanood ang kanilang idolo.

Nagkaubusan na ang mga tickets nito sa ibang bansa kung saan magsasagawa rin ito ng concerts kaya minabuti ng ilang fans na dumayo at manood na lamang sa Japan.

Magugunitang isang big-winner ang 34-anyos na si Swift sa katatapos na Grammy Awards kung saan lalong nasabik pa ang mga fans ng ianunsiyo nito ang paglabas ng kaniyang bagong studio album sa susunod na mga buwan.

Nagtala ito ng record ng makuha ang pang-apat na Album of the Year sa Grammys na binasag ang tatlong album of the year awards sa Grammy nina Frank Sinatra, Paul Simon at Stevie Wonder.