Pinuna ni dating Pres. Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang health authorities dahil sa huli nilang desisyon sa pagpapalawak ng eligibility para sa pangalawang booster shot.
Ito ay may kaugnayan sa 4.25 milyong COVID-19 na bakuna ang naiulat na nag-expire.
Sinabi ng founder ng Go Negosyo na huli na ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council na palawakin ang coverage ng second booster.
Nauna nang sinabi ni Concepcion na ang huling batch ng AstraZeneca vaccine ay mag-e-expire sa Hulyo 31, habang ang huling Moderna vaccine ay nag-expire noong Miyerkules, Hulyo 27.
Sa kabuuan, 3,629,150 na bakuna ay Moderna vaccines.
Nangangahulugan ito na ang mga bakunang Pfizer lamang ang natitira para sa una at pangalawang boosters, aniya.
Dagdag pa nito na ang mga health authorities ay hinimok noong Abril na payagan ang mga pangalawang booster shot.
Magugunitang, pinalawak ng Department of Health noong Martes ang saklaw ng pangalawang booster sa mga nasa hustong gulang na 50 taong gulang pataas, at mga immunocompromised na indibidwal na may edad 18 hanggang 49.
Nadismaya si Concepcion sa kung paano naiwasan ang pag-aaksaya ng bakuna.
Sinabi niya na ang pera ay nagmula sa mga kumpanyang nahirapan sa panahon ng pandemya.










